Cebu

60 pasahero, nasagip ng PCG sa lumubog na motor banca sa Cebu

National News

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 60 pasahero nang lumubog na motor banca sa karagatang sakop ng Cebu.

Patungo sana sa Getafe, Bohol mula sa Gilutongan sa Cordova, Cebu ang mga sakay ng Bangka.

Ngunit biglang magkaproblema ang makina pasado 7:00 ng umaga.

Halos kalahati na ng motor banca ang lubog sa karagatan nang dumating ang PCG personnel.

Agad na dinala sa Pier 1 ng Cebu City Port ang mga nailigtas na pasahero.

Kabilang ang mga bata at limang crew members ng bangka.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *