undas

Dagdag seguridad sa undas, tiniyak ng AFP

National News

PINAIGTING na ng AFP ang kanilang security preparations para suportahan ang PNP at iba pang civilian law enforcement agencies sa undas.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr.

Magkatuwang ang Unified Commands at Joint Task Force NCR at kanilang counterparts sa pulisya.

Para matiyak ang seguridad sa mga sementeryo.

At iba pang pampublikong pasilidad at establisyimento sa buong bansa sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Naka-standby naman ang AFP Major Service Commands at nakahandang ideploy para sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Mararamdaman din ang presensya ng mga sundalo sa mga checkpoints.

Idedeploy rin ang kanilang K9 units at Explosive Ordinance Disposal Teams sa mga pangunahing sementeryo sa bansa.

Una na ring inatasan ni Galvez ang lahat ng kanilang units na paigtingin ang intelligence monitoring at security operations para sa undas.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *