Sergio Osmeña III

Dating Sen. Sergio Osmeña III, pinadidiskwalipika ng Comelec

National News

TULUYAN nang pinadidiskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) si dating Senador Sergio Osmeña III na tumakbo sa anumang government position.

Ito ay dahil dalawang beses nabigo ang dating senador na magsumite sa takdang panahon ng kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon sa Comelec, hindi nakapagsumite ng SOCE si Osmeña sa loob ng tatlumpung araw noong 2010 at 2016 elections.

Inirekomenda ng Comelec campaign finance ang perpetual disqualification kay Osmeña at multang ng P60,000.

Bukod ito sa pagbabawal na humawak sa anumang public office.

Kampante naman ang dating senador na mababasura ito dahil pinayagan siyang makapag-file ng SOCE kahit late noong 2010.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *