emerald crystal

Higanteng 5,655-carat emerald crystal, nadiskubre sa Africa

International News

NADISKUBRE ang isang higanteng emerald crystal sa isang pinakamalaking minahan sa Zambia, Africa.

Nabungkal ng isang geologist at experienced miner ang tumataginting na 5,655-carat Lion Emerald sa minahan ng Kagem.

Pinangalanan ang higanteng bato na “Inkalamu’ na ang ibig sabihin ay leon sa lokal na lenggwahe ng Zambia.

Ang pagkakatuklas sa bato ay dahil na rin sa mataas na demand ng high-quality Zambian emeralds lalo na sa Europa.

Nakatakdang ibenta ang Lion Emerald sa Singapore ngayong Nobyembre.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *