Bless Okiniiri Japanese Resto

Ikatlong branch ng Bless Okiniiri Japanese Resto, binuksan sa Molino, Cavite 

National News

MAGANDANG balita para sa lahat ng mga Japanese food lovers sa Cavite. (Bless Okiniiri Japanese Resto)

Dahil binuksan na ng Bless Okiniiri Japanese Restaurant ang ikatlong branch nito sa Vista Mall Molino.

Ang naturang grand opening ay pinangunahan mismo ng Chief Executive Officer ng Bless Amare Group of Companies na si Ms. Jessie Maloles.

Kasama ng kanyang business partner na si Mr. Nelson Mendoza.

Ilan din sa mga dumalo sa pagbubukas ay sina Beauty Queen Risa Aza, Beauty Queen Mel Martinez.

Kabilang ang Malaysian singer Min Yasmin at Malaysian Producer Julfekar.

Tampok din sa grand opening ang makipigil hiningang performance ng Pilipinas Got Talent 1st Runner Up Julius Obrero at Rhea Marquez.

Maging ang kamangha-manghang song number ng Malaysian singer na si Min Yasmin, kagila-gilalas na Japanese dance show.

At ang inaabangang fashion show kung saan ibinida ang mga collection ni Ms. Jessie Maloles na idinisenyo nina Rye Baile at Marlo Javier.

Dito sa Bless Okiniiri Japanese Restaurant malalasap ang kakaibang linamnam ng best Japanese cuisine na very affordable.

Gaya ng mango salad, salmon sashimi, tantanmen, chicken karaage, combo maki at marami pang well-loved Japanese dishes.

Ang Bless Okiniiri Japanese Restaurant ay mayroon nang tatlong branch.

Maliban sa Cavite, mayroon din ito sa Azuela Cove, Davao City at maging sa BF Homes, Parañaque City.

Bukas ito mula 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *