sundalo

Malakanyang, nilinaw na walang itatalagang sundalo sa BOC

National News

NILINAW ng Malacañang na walang itatalagang sundalo sa Bureau of Customs (BOC).

At wala munang mangyayaring military takeover sa ahensya sa ngayon.

Kasunod ito ng pahayag ng mga kritiko na ang pag-takeover ng militar sa Customs ay paglabag sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, babantayan ng mga sundalo ang mga tauhan ng BOC.

At aalamin ang mga proseso ng ahensya kahit hindi nila gagampanan nang pormal ang papel ng customs personnel.

Sinabi ni Panelo na layunin ng hakbang na maramdaman ng mga BOC personnel ang presensya ng mga sundalo.

At kalaunan ay matakot ang mga tiwaling tauhan ng ahensya.

Gayunman, ayon kay Panelo, magkakaroon ng military takeover sa BOC kung kinakailangan at pahihintulutan ito ng konstitusyon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *