kinuwestyon

Naka-ambang dagdag-sahod sa Metro Manila, kinuwestyon

National News

“SAAN aabot ang P25?” (kinuwestyon)

Ito ang naging tanong ng militant labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino o BMP.

Kaugnay sa balitang P25 dagdag-sahod ng mga minimum wage earners Metro Manila.

Ayon kay Leody De Guzman, Chairperson ng BMP, kulang ang naturang dagdag-sahod.

Kung ikumpara sa naging epekto ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin ngayong taon.

Kulang pa rin aniya ito kung ikukumpara sa mga nabibili nila bago pumasok ang 2018.

Kaugnay nito, kinundena ng grupo ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

Kung saan idinesenyo anila para pagkaisahan ng kapitalista’t gobyerno ang manggagawa.

Samantala, una namang nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello sa isang panayam na hindi pa pinal ang rekomendasyon na P25 dagdag-sahod sa NCR.

Sa kasalukuyan, nasa P512 na arawang sahod dito sa Metro Manila.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *