tsunami

Exhibit kaugnay sa tsunami, binuksan ng DOST at PHIVOLCS

National News

ISANG forum at exhibit kaugnay sa tsunami ang binuksan sa Paranaque Sports and Social Hall bilang paggunita sa Tsunami Awareness Day.

Layunin ng nasabing exhibit na maipabatid sa publiko ang sapat na kaalaman kaugnay sa nakamamatay na tsunami.

Kabilang dito ang paghahanda, early warning at kung papaano maiwasan.

Pinangunahan ang naturang kaganapan ng DOST, PHIVOLCS at Paranaque City.

Ayon sa DOST, kabilang ang Valenzuela, Malabon, Navotas, Manila, Pasay, Las Piñas at Parañaque sa posibleng matamaan ng tsunami.

Kapag nagkaroon ng paggalaw sa Manila Trench.

Ang exhibit ay mananatiling bukas sa publiko hanggang sa November 6.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *