katiwalian

Lacson umaasa na mawawala ang katiwalian sa PNP

National News

UMAASA si Senador Panfilo Lacson na mababawasan ang katiwalian sa Philippine National Police (PNP) 

Mawawala na ang mga kotong cops.

Kapag ipinatupad na sa Enero 2019 ang pagtataas ng sahod sa mga pulis.

Magiging epektibo ang pagtaas sahod at mga benipisyo sa mga pulis sa susunod na taon.

Dahil na rin sa political will ng Pangulong Rodrigo Duterte kaya naisakatuparan ito sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Dagdag pa ng senador wala ng dahilan para magloko pa ang mga pulis.

Dahil naibigay na lahat ng pangulo ang nararapat para maging matino at tapat sila sa kanilang mandato para sa bayan at kapayapaan.

Sa kabila nito hindi pa rin maiaalis ang pangamba ni Lacson na may ilan pa rin sa hanay ng mga pulis ang gahaman sa kapangyarihan.

At sa limpak limpak na salapi na kikitain sa katiwalian kahit naibigay na ang lahat ng pangulo para magbago ang mga ito.

Inihalimbawa pa ni Lacson ang ilang mga opisyal ng PNP na ang iba ay retirado na.

Pinag-aral ang mag ito ng bayan sa pamamagitan ng PMA at PNPA kapalit ng malalaking sweldo at benipisyo.

Subalit nagnakaw parin sa kaban ng bayan.

At kung minsan maging ang meal allowances ng mga pulis ay binubulsa pa ng ilang tiwaling opisyal.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *