Northern Marianas

Mga Pinoy na apektado ng bagyo sa Northern Marianas, tutulungan

National News

NAKATAKDANG tulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong apektado ng bagyo sa Northern Marianas sa Pacific Ocean.

Ayon sa DFA, magpapadala ang ahensya ng mga teams sa Philippine Consulate General sa Agana sa mga isla ng Tinian at Rotana.

Sinalanta ang mga ito ng Bagyong Yutu o Rosita dito sa Pilipinas.

Sa ulat ni Consul General Marciano De Borja, nasa 600 Pilipino ang naninirahan sa Tinian, habang 300 naman sa Rotana.

Nagpadala din ng dalawang opisyal ang DFA sa Saipan, ang pinakamalaking isla sa Northern Marianas.

Para tulungan ang nasa 15, 000 Pilipino doon.

Nabatid na maraming mga Pinoy sa Northern Marianas ang nawalan ng bahay.

At kasalukuyang naninirahan sa mga temporary shelters dahil sa bagyo.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *