bilihin

Pagbaba ng presyo ng mga bilihin, mararamdaman na simula ngayong buwan

National News

IGINIIT ni NEDA Chief Ernesto Pernia na mararamdaman na ng mga konsyumers ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Magsimula ito ngayong buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni Pernia na simula ngayong buwan ay ipatutupad na ng gobiyerno ang non-tariff barriers sa pag-angkat ng bigas at ibang produkto.

Naniniwala din si Pernia na bababa na rin ang inflation rate sa dalawa hanggang apat na porsyento sa susunod na taon.

Ayon sa NEDA chief, bumaba na ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

At nasa average na lamang itong animnapu’t tatlo hanggang animnapu’t limang dolyar kada bariles.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *