Presyo ng gulay

Presyo ng gulay sa ilang palengke sa Metro Manila, tumaas

National News

TUMAAS ng P10 hanggang P20 ang presyo ng gulay sa ilang palengke sa Metro Manila.

Idinahilan ng mga vendor ang pagtaas ng presyo ng kanilang supplier kaya’t wala silang magawa kundi itaas din ito.

Mabibili ng P120 ang kada kilo ng patatas, P40 naman ang kada kilo ng sayote.

Habang P90 ang bawat kilo ng carrots.

Nasa P140 ang kada kilo ng repolyo, P220 ang broccoli, P100 ang kada kilo ng Baguio beans.

Habang P80 ang bawat kilo ng talong, ampalaya, sibuyas, kamatis at bawang at mabibili ng P20 ang bawat kilo ng sitaw.

Bahagya ring tumaas ang presyo ng isda at karne sa ilang pamilihan.

Kung saan nasa P160 ang kada kilo ng bangus, P140 ang galunggong at P120 ang tilapia.

Mabibili naman ng P220 pesos ang bawat kilo ng karneng baboy, P380 pesos ang karne ng baka.

Nsds P140 hanggang P150 ang kada kilo ng manok.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *