U.S. sanctions

U.S. sanctions kontra Iran, simula na ngayong araw

International News

SIMULA ngayong Lunes ay tuluyan nang ipapatupad ang U.S. sanctions laban sa Iran.

Matapos kumalas ang Amerika mula sa 2015 Iran Nuclear Deal noong Mayo ng 2018.

Ayon sa Washington, layunin ng sanction na pigilan ang nuclear ambitions at mapanirang gawain ng Iran.

Tulad ng cyber-attacks, ballistic missile tests, pagsuporta sa mga terror groups at militirisasyon sa Middle East.

Umatras ang mahigit 100 international companies na mag-invest sa Iran habang madadamay sa sanctions ang mga bansang makikipagkalakalan dito.

Nasa mahigit 700 katao, kompanya at negosyo ang kasama sa sanctions list na lubos na makakaapekto sa oil exports.

At ilan pang mahahalagang sektor ng ekonomiya sa iran.

Isang malawakang protesta ang isinagawa ng mga Iranians.

Habang nagbabala ang Iran military na magsasagawa ng air drills para ipakita ang kanilang kakayahang pangdepensa.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *