Inter-Agency Task Force

Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform, binuo

National News

BINUO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 52, inaatasan nito ang IATF na magsagawa ng public information drive at advocacy campaign.

Ito’y hinggil sa isinusulong na federalismo.

Nilagdaan ang nasabing memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ang IATF ay pamumunuan ng kalihim ng Department of Interior and Local Government katuwang ang kalihim ng Department of Justice.

Kabilang din sa miyembro ng IATF ang kalihim ng Office of the Cabinet Secretary, Presidential Management Staff, Presidential Communications Operations Office.

Kasama rin ang Office of the Presidential Spokesman, Presidential Legislative Liaison Office, Office of the Political Adviser, Commission On Higher Education.

Maging ang Development Academy of the Philippines at University of the Philippines Law Center.

Unang binuo ni Pangulong Duterte ang consultative committee para magsagawa ng konsultasyon at panukalang amyenda sa 1987 constitution.

Ito ay upang isulong ang Federa­lism.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *