Muntinlupa

Muntinlupa RTC Branch 206 judge, nag-inhibit sa kaso ni De Lima

National News

NAG-inhibit si Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Judge Lorna Navarro-Domingo.

Ito’y sa paghawak sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga ni Senador Leila de Lima.

Oktubre nang maghain ng motion to inhibit ang kampo ni De Lima kay Domingo dahil sa umano’y pagiging bias nito.

Binigyan-diin ni Domingo na pinili niyang bitiwan na ang kaso para magpakita ng good faith sa lahat ng partido.

Kahit na walang sapat na batayan para siya ay mag-inhibit,.

Idinepensa din ng hukom ang sarili mula sa paratang ng senadora na nilabag niya ang karapatan nito sa bukas at pampublikong paglilitis.

Aniya, tanging ang mga miyembro ng media ang kanyang pinagbawalan sa loob ng court room.

Dahil makaka-abala ito sa mga partido at sa mga abugado.

Ipinunto pa ng hukom na ipinaiiral niya ang sub-judice rule.

Katunayan aniya ay may mga dayuhan umano sa loob ng korte para sumaksi sa paglilitis.

Kaugnay nito muling ira-raffle ang kaso ni De Lima para mabatid kung sinong hukom ang panibagong hahawak sa kaso nito.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *