NAKAHANDA

NTC nakahanda na sa pagpili sa ikatlong telco sa bansa

National News

NAKAHANDA na ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpili ng gobiyerno sa ikatlong telco company sa bansa.

Tiniyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang kaalaman ng selection committee, technical working group at secretariat.

Ito ay sa pag-proseso sa dokumento ng mga kompanyang magsusumite ng bid hanggang Miyerkules, October 7.

Ayon kay Cordoba, mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa araw ng selection.

Kasabay ng paged-deploy ng mga pulis at bomb sniffing dogs sa lugar.

Dadaan sa masusing document verification phase ang bidders.

Sinabi ito ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Sec. Eliseo Rio Jr.

Sa ilalim ng NTC Memorandum Circular No. 09-09-2018, kailangang pumasa sa panuntunan ng Highest Committee Level of Service (HCLOS) ang mapipiling kompanya.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *