Charlotte Hornets

Charlotte Hornets, pinada ang Atlanta Hawks

Sports

PINADAPA ng Charlotte Hornets ang Atlanta Hawks sa NBA Pre Season game na nagtapos sa score na 113-102 sa Spectrum Center.

Pinangunahan ni Kemba Walker ang panalo ng Hornets kung saan kumamada ito ng 29 points.

Habang nakapagtala ng kaniyang high-season points si Marvin Williams na nagbigay ng 20 puntos.

Bigo ang koponan ng Hawks na matalo ang Hornets.

Ito ay sa kabila ng ginawang 19 points ni Jeremy Lin at 18 points ng rookie na si Trae Young.

Hindi naman nakapaglaro sina Taurean Prince, John Collins at Justin Anderson bunsod ng mga iniindang injury.

Jao Gregorio

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *