FDA

Dengvaxia, ginagamit na ng US FDA bilang panlaban sa dengue

National News

GINAGAMIT ngayon ng US-Food and Drug Administration (FDA) ang Dengvaxia bilang kauna-unahan medical prevention tool laban sa dengue.

Tinanggap na ng US-FDA ang Biologics License Application ng Sanofi Pasteur.

Para mapabilang ang Dengvaxia sa mga aprubadong bakuna ng Estados Unidos laban sa dengue.

Pinapahalagahan ngayon ng gobiyerno ng Amerika ang Dengvaxia vaccine.

Matapos lumobo ang kaso ng dengue sa Puerto Rico at US Virgin Islands simula noong taong 2010.

Magugunita na sa Pilipinas ay naitala rin ng DOH ang paglobo ng kaso ng dengue.

Umabot ito sa 138,444 mula Enero hanggang Oktubre 2018 o 21% na pagtaas kumpara noong 2017.

Sinabi ni Dr. David Greenberg ng Regional Medical Head North America, na mabisa ang Dengvaxia vaccine.

Dahil dumaan ito sa pagsusuri sa halos 40, 000 katao sa labinlimang bansa sa buong mundo.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *