mataas na buwis

Mataas na buwis sa sigarilyo, sinuportahan ng marami

National News

SUSUPORTAHAN ng mayorya ng mga Filipino ang mga kandidato sa 2019 midterm elections na magsusulong ng mataas na buwis sa sigarilyo.

Nasa 64% ng mga Pinoy ang nagsabing iboboto nila ang mga tatakbo sa eleksyon na pabor na itaas ang tobacco taxes.

Batay ito sa September 1 to 7 survey ng Pulse Asia.

Hindi naman susuportahan ng 15%t ng mga kababayan ang mga kandidatong magsusulong ng mataas na buwis sa sigarilyo.

Habang nasa 21% naman ang “undecided.”

Lumabas din sa kaparehong survey na 67% ng mga Filipino ang sang-ayon na dapat itaas ang buwis sa sigarilyo.

Habang 22% naman ang tutol sa panukala.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *