sumuko sa militar

7 miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Agusan del Sur

Regional

BOLUNTARYONG sumuko sa militar ang pitong miyembro New People’s Army.

Ang mga ito ay napabilang sa Guerilla Front 14, Northeastern Mindanao Regional Committee ng NPA sa Agusan del Sur.

Kinilala ang mga sumuko na sina Lita Pau-As Cristobal, Rudelito Calderon Cristobal, Jhon Fuentes Subla, Leo Rosas Amper at Roldan Rocero Pau-As.

Kabilang din sa sumuko ang vice leader ng Squad Caloy na si Aurillo Rocero Pau-As.

Ganundin ang vice leader ng Squad Baking na si Marito Rocero Pau-As.

Kasamang isinuko ng mga rebelde sa Bravo Company, 75th Infantry Battalion ng Philippine Army ang kani-kanilang mga armas.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *