Australia

Australia, maglalabas ng bilyun-bilyong loan funds sa Asya

International News

PLANONG maglabas ng A$2B o mahigit P76B halaga ng loan funds ang Australia para sa proyektong imprastraktura ng ilang Pacific nations.

Ayon kay Australian Prime Minister Scott Morrison ay nais kontrahin ng bansa ang impluwensiya ng China sa Pacific countries at Timor Leste.

Simula taong 2011 ay nakapagbigay na ng $1.3B o halos P70B halaga ng loans at perang panregalo ang China.

Ito ay sa ilang Pacific countries at pumapangalawa sa Australia bilang largest donor.

Kilalang sagana sa likas na yaman ang karagatan ng Pacific tulad ng Asya.

Kung kaya’t nagpapaligsahan ang dalawang bansa na masiguro ang impluwensiya sa bahaging ito ng mundo.

Trisha Molina

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *