NDFP

Consultant ng NDFP, arestado sa illegal firearms

National News

ARESTADO ng pinagsanib na pwersa ng PNP, AFP at QCPD ang isa sa mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Kinilala ang suspek na si Vic Ladlad.

Inaresto si Ladlad dahil sa kasong illegal possession of firearms and explosives sa kanyang bahay.

Matatagpuan ito sa San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.

Sinalakay ang bahay ni Ladlad sa bisa ng search at arrest warrant.

Kung saan nakuha umano sa pag-iingat ni Ladlad ang ilang armas.

Kasama rin sa inaresto ang dalawang kasamahan ng NDFP consultant.

Kasalukayang nasa kustodiya ng PNP at QCPD sa Camp Karingal si Ladlad.

Samantala, mariing kinundena ng human rights group Karapatan ang pagkakaaresto kay Ladlad at dalawa nitong kasamahan.

Ayon sa grupo, ang pag-aresto ay malinaw na paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Binalaan din ng mga grupong Karapatan ang PNP at AFP na huwag magplanta ng ebidensya sa mga inaresto.

Para ma-justify ang patong-patong na kasong isasampa sa kanila.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *