Grade 4 pupil pataas

Mandatory drug testing sa mga Grade 4 pupil pataas, pinaboran

National News

MAHIGIT kalahati ng populasyon sa bansa ang pabor sa panukalang mandatory drug testing sa mga Grade 4 pupil pataas.

Nasa 51% ng mga Filipino ang sang-ayon na isailalim sa mandatory drug testing ang mga estudyanteng edad sampu pataas.

Batay ito sa September 15 to 23 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nasa 36% naman ang tutol sa panukala habang 13% ang undecided.

Karamihan sa mga pabor sa panukala ay ang mga Pinoy na kuntento sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang inanunsyo ng PDEA noong Hunyo na nais nilang magsagawa ng mandatory drug testing sa mga guro.

Kungsaan ibibilang ito ang mga Grade 4 student pataas.

Gayunman, hindi na itinuloy ng ahensya ang plano.

Matapos igiit ng mga opisyal ng DepEd na hindi dapat isailalim sa mandatory drug testing ang mga estudyante sa elementarya.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *