Pacquiao

Manny Pacquiao hindi magreretiro hangga’t walang rematch kay Mayweather

Sports

NANATILING positibo sa kaniyang boxing career si world boxing champ Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Pag-amin ni Pacman na isang malaking dahilan si Mayweather kung bakit hindi pa ito nagreretiro.

Hanggat hindi aniya sila nagkakaroon ng rematch ni Mayweather ay hindi ito matatahimik.

Kumpiyansa naman ang Kid Kulafu na si Pacquiao sa posibilidad ng muli nilang paghaharap.

Matatandaang, napatumba ni Mayweather si Pacman sa naging match nila noong 2015.

Nakatakda namang depensahan ni Manny Pacquiao ang kaniyang titulo kontra kay Adrien Broner sa pagpasok ng bagong taon sa Enero.

Jao Gregorio

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *