Natonin

Mga missing sa Natonin landslide, posibleng naanod

National News

NANINIWALA si Natonin, Mountain Province Mayor Mateo Chiyawan na posibleng naanod na sa ilog ang labing isa pang nawawala sa ground zero.

Ito ang inihayag ni Chiyawan matapos wala na silang marekober sa patuloy na massive rescue operation.

Ayon sa alkalde, susubukan nilang bakbakin ang mga natumbang pader mula sa natabunang gusali ng Department of Public Works and Highways.

Para tiyakin na wala nang naiwan sa lugar.

Kinumpirma din ni Chiyawan na kabuuang 18 ang natagpuang bangkay sa ground zero.

At tatlo rito ang hindi pa nakikilala.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng lokal na pamahalaan ang kabuuang pinsala.

Kabilang sa mga ari-arian, imprastraktura at agrikultura na iniwan ng Bagyong Rosita.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *