P2.8M

P2.8M droga nasamsam sa isang drug bust sa Cebu

Regional

NASAMSAM naman ang P2.8M ng droga sa isang drug bust operation sa Cebu City, Miyerkules ng gabi.

Nahuli sa suspek na may alyas Mary Jane at tatlo nitong runner ang 240 gramo na hinihinalang shabu.

Nakakuha din ng mga pera at iba’t-ibang resibo ang awtoridad.

Itinanggi naman ito ni alyas Mary Jane at sinabing planted na ebidensiya lamang ang mga iyon.

Una naman na palang kasama si Mary Jane sa drug watchlist ng Fuente Police Station.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng awtoridad kung saan umaangkat ng droga ang mga naarestong suspek.

Jao Gregorio

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *