Boracay

 Pang. Duterte, bibisita sa Boracay ngayong araw

National News

NAKATAKDANG bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Isla ng Boracay.

Pangungunahan ni Pangulong Duterte ang pamamahagi ng nasa 3.2 ektaryang lupain.

Ito ay makikita sa Barangay Manocmanoc sa mga magsasakang katutubong ati.

Nasa 44 na pamilya ang tatanggap ng apat na Certificates of Land Ownership Awards (CLOA).

Ayon ito kay Department of Agrarian Reform (DAR) Regional Director Stephen Leonides.

Kasama rin ipamamahagi ng pangulo ang nasa dalawandaang ektarya ng lupain mula sa iba pang bayan sa Aklan.

Alas tres mamayang hapon inaasahang darating sa Boracay ang pangulo.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *