promulgation

Promulgation sa kaso ni dating Senador Revilla, itinakda na

National News

ITINAKDA na ng Sandiganbayan First Division ang promulgation sa plunder case ni dating Senador Bong Revilla.

Makaraan ang higit apat na taon mula nang maaresto ang senador.

Kaugnay ito sa pagkasangkot ni Revilla sa multi-billion-peso pork barrel fund scam.

Sa inilabas na Supplemental Order ng Anti-Graft Court, gagawin ang promulgation sa Disyembre 7, alas 8:30 ng umaga.

Nilagdaan ang kautusan nina Sandiganbayan Justices Efren dela Cruz at Associate Justices Geraldine Faith Econg at Edgardo Caldona.

Maliban kay Revilla, dedesisyunan na rin ng Sandiganbayan ang kaso ng dati nitong chief of staff.

Kabilang ang kapwa akusado na si Attorney Richard Cambe at ang itinuturong mastermind ng PDAF scam na si Janet Lim Napoles.

Si Revilla ay nanatiling nakakulong sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Matatandaang naghain ng Certificate of Candidacy ang dating senador para muling tumakbo sa pagkasenador sa 2019 Midterm Elections.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *