40 distressed Filipino truck drivers

40 distressed Filipino truck drivers sa Germany at Poland, nasagip

International News

NASAGIP na ang 40 distressed Filipino truck drivers sa Germany at Poland mula sa mahirap at hindi makatwirang working conditions.

Ayon sa DFA, nabigyan na ng pansamantalang matutuluyan ang mga Pinoy drivers at sapat na suplay ng pagkain.

Patuloy din ang pag-ayuda ng mga Embahada ng Pilipinas sa Berlin at Warsaw sa mga OFW para sa kanilang mga pangangailangan.

Sa ngayon ay nakikipag-negosasyon ang Philippine Overseas Labor Office officials sa Geneva, Switzerland.

Partikular na sa mga employer ng mga kababayang driver na maaaring biktima ng human trafficking.

Una nang nailigtas ang 22 Pinoy truck drivers sa Pagborg, Denmark na nakaranas din ng mahirap na working conditions sa Germany at Poland.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *