acting secretary

DICT acting secretary, ikinagulat ang desisyon ni Honasan

National News

NAGTATAKA si Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Eliseo Rio Jr.

Kaugnay sa timing ng pagpapalit ng mamumuno ng kagawaran.

Reaksyon ito ni Rio matapos ihayag ni Senador Gringo Honasan na tinatanggap niya na ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bilang DICT Chief, dalawang araw matapos pangalanan ang ikatlong provisional telecommunication player sa bansa.

Ayon kay Rio, hindi niya maunawaan kung bakit kailangan ngayon siya palitan.

Kung saan nasa kalagitnaan sila ng napakahalagang aktibidad na magdadala ng pag-unlad sa telecommunication industry.

Umaasa ang acting secretary na mabigyan pa siya ng ilan pang linggo.

Para maisapinal ang pagpasok ng 3rd telco player na labis aniya nilang pinaghirapan.

Dagdag pa ni Rio, wala siyang nakikitang dahilan para madaliin ang pag-take-over ni Honasan sa pwesto.

Kahit hanggang matapos lamang ang kanyang trabaho sa third telco.

Na aniya ay kanyang ipinangako sa pangulo na matatapos bago mag-pasko ngayong taon.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *