Guiuan, Eastern Samar

Gov’t infrastructure sa Guiuan, Eastern Samar, bumuti na

National News

BUMUTI na ang mga pampublikong imprastraktura sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar.

Limang taon matapos humagupit ang super Typhoon Yolanda.

Bukod sa bagong town hall at palengke ay may ilan na ring bagong government buildings ang kanilang bayan.

Ayon ito kay incumbent Guiuan Mayor Sheen Gonzales.

Sinabi ni Gonzales na bukas nang muli ang ilang establisyimento na sinira ni Yolanda.

Tanging ang Gabaldong Building o Heritage Classroom ng Guiuan East Central School ang hindi pa natatapos ang renovation.

Itinuturing na pinakalumang istruktura ng pamahalaan ang naturang gusali.

Maguginitang unang nag-landfall si super Typhoon Yolanda sa Guiuan noong Nobyembre 8, 2013.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *