ipatutupad

Mandatory drug test sa mga HEI, ipatutupad ng CHED

National News

SIMULA sa susunod na academic year ay ipatutupad na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mandatory random drug testing.

Ipatutupad ito sa mga estudyante sa mga university, colleges at iba pang higher education institutions.

Sa naturang drug test, dapat munang magsagawa ng konsultasyon sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang bago ito gawin.

Ayon ito sa nakasaad sa implementing guidelines ng Memorandum Order No. 18.

Nilinaw ni CHED Chairperson Prospero De Vera na magiging kompidensyal o hindi isasapubliko ang resulta ng mandatory random drug testing.

Hindi rin aniya gagamitin ang resulta laban sa mga estudyante na magpo-positibo sa paggamit ng iligal na droga.

Subalit kanilang aalamin ang mga mag-aaral na nangangailangan ng health intervention.

Sa ilalim ng memo, ang mga accredited facility, doktor at private medical practitioners lamang ng DOH ang maaring magsagawa ng drug testing.

Kailangan ding ipresenta ng mga paaralan ang polisiya sa drug testing sa kanilang mga estudyante.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *