bangkay

Posibleng makukuhang bangkay sa Natonin landslide, lumiliit na

National News

MALIIT na umano ang posibilidad na may makukuha pang bangkay ang retrieval team sa ground zero sa Natonin, Mountain Province.

Ayon kay Natonin Mayor Mateo Chiyawan, tatapusin na nila ngayon Biyernes ang massive retrieval operation sa lugar.

Umuwi na rin ang ilan sa mga rescue teams na nagsasagawa ng retrieval operations sa natabunang gusali ng DPWH.

Pero ayon sa alkalde, may darating na volunteers mula sa Ifugao at Besao, Mountain Province.

Ang mga ito ay siyang magpapatuloy sa retrieval operation sa labing isa pang nawawala.

Bibigyan lamang ng limang araw ang mga kapamilya ng nawawalang biktima na ipagpatuloy ang paghuhukay bago tuluyang ihinto ang paghahanap.

Dagdag pa ni Chiyawan, nakuha na ng kanilang pamilya ang labinlima sa labinwalong bangkay na narekober sa ground zero.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *