TINANGGAP

Sen. Honasan, tinanggap na ang posisyon bilang kalihim ng DICT

National News

TINANGGAP na ni Senador Gringo Honasan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Na maging kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Honasan, nagpasya siya na tanggapin ang alok ng pangulo.

Para sa ikabubuti ng bansa, gobyerno, sambayanan at kinabukasan ng mga kabataan.

Sinabi ni Honasan na magbibitiw siya bilang senador sakaling makumpirma siya ng Commission on Appointments (CA).

At makapanumpa na bilang kalihim ng DICT.

Magugunitang una ng sinabi ni Senate President Tito Sotto na si Honasan ang pipisil ng pangulo bilang kalihim ng DICT.

Papalitan naman ni Honasan si DICT Acting Secretary Eliseo Rio na isa ring dating sundalo at opisyal ng National Telecommunications Commission.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *