Bong Go

Bong Go, pangungunahan ang national team sa FIBA World Cup

Sports

PAMUMUNUAN naman ni Former Special Assistant to the President Sec. Bong Go ang national team board ng Pilipinas.

Ito ay sa nalalapit na Fifth Window of the FIBA World Cup Qualifier.

Inanunsyo ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa halftime ng Game 1 ng Meralco-Alaska Governors Cup Semifinals series sa Ynares Sports Center.

Malaki naman ang pasasalamat ng basketball enthusiast na si Bong Go sa pagkakapili sa kaniya.

Kungsaan ay nabigyan siya pagkakataong makatrabaho ang kaniyang matalik na kaibigan na si Coach Yeng Guiao.

Nakatakda namang makatunggali ng Team Philippines ang Team Kazhakstan sa November 30.

Habang makakaharap naman nila ang Team Iran sa December 3 sa MOA Arena.

Pero bago pa ang magiging qualifying games ay makakalaro muna ng Gilas Pilipinas ang Team Jordan sa November 19 at 21.

Sa November 23 at 25 naman ang Team Lebanon para sa tuning-up game.

Jao Gregorio

DWSI 864

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *