PINABABAYARAN

Utang ng Philhealth sa mga pribadong ospital, pinababayaran na

National News

PINABABAYARAN na ng mga pribadong ospital sa Philhealth ang kanilang utang.

Aabot ito sa P6B para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Posibleng magsara na ang ilang pribadong ospital dahil sa bankruptcy dulot ng hindi pa nabayarang utang ng Philhealth, simula pa noong 2011.

Ayon ito kay Dr. Rustico Jimenez, President of Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP).

Sinabi ni Jimenez na karaniwang sinasabi ng ahensya na nagpalit sila ng sistema.

At batid aniya nila ang kabagalan ng internet speed sa bansa.

Dagdag nito, mula sa 17 Philhealth agents sa buong bansa ay 3 lamang ang regular na nagre-reimburse sa mga private hospital.

Ito ay sa loob ng 60 araw habang ang iba ay ginagawa ito ng 5 buwan hanggang 1 taon.

Bagaman aniya ayaw nilang mangyari ay posibleng i-discredit na lang nila ang Philhealth.

Para singilin na ang mga pasyenteng papasok sa mga pribadong ospital.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *