NBI

Dating BOC Comm. Lapeña, kinasuhan ng graft ng NBI

National News

KASONG graft at administrative complaints ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Laban ito kay dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña.

Ang kaso ay kaugnay sa 105 na nawawalang containers sa Port of Manila nitong Marso.

Ayon ito kay Atty. Ferdinand Lavin, spokesperson ng NBI.

Sinabi ni Lavin na dawit din sa reklamo ang iba pang mga tauhan ng Customs.

Lumabag ang mga ito sa Section 3 ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Mula sa nasabing bilang ng mga nawawalang containers, 88 dito ang natagpuan na ng BOC sa Meycauayan, Bulacan.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *