panalo

LA Lakers, nakuha ang ika-5 panalo

Sports

NASUNGKIT ng Los Angeles Lakers ang ikalimang panalo sa anim na laro nito.

Matapos idispatsa sa gitgitang laban ang Atlanta Hawks sa iskor na 107-106.

Bumida sa panalo ng Lakers si Lebron James na kumolekta ng 26 points kasama na ang isinalpak na dakdak nito sa huling segundo.

Dagdag pa ang 18 points ni Kyle Kuzma na nagpatabla sa 104-all na laban sa natitirang isang minuto at tatlumpu’t apat na segundo.

Nabalewala naman ang 23 points ni Taurean Prince dahil sa pagkatalo ng Hawks.

Bibisita sa Golden State ang Hawks sa Miyerkules, habang makakasagupa ng Lakers ang Portland sa Huwebes.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *