Private Hospital

Philhealth, nagpaliwanag sa utang nito sa mga private hospital

National News

POSIBLENG batay sa claims na “denied” o “returned to hospitals” ang sinasabing P6B ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP).

Ang naturang halaga ay umano’y utang ng Philhealth mula 2011 hanggang 2017 sa mga pribadong ospital.

Ito ang iginiit ni Dr. Shirley Domingo, Vice President for Corporate Affairs ng Philhealth.

Kasabay ng paglilinaw na base sa kanilang datos ay wala silang utang na P6B sa mga pribadong ospital.

Paliwanag ni Domingo, pinoproseso pa nila ang claims na nagkakahalaga ng halos Pitong Bilyong Piso.

At ito ay pasok pa sa 60 araw na allowed processing period.

Aniya, halos 44 na libong claims kada araw ang pumapasok at pinoproseso nila kaya’t maraming pending claims ang Philhealth.

Dagdag nito, 33 araw ang average turnaround time sa pagproseso ng claims.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *