dagdag-presyo

Dagdag-presyo sa mga de lata, ipatutupad sa Disyembre 

National News

TULOY na sa susunod na buwan ang nakaambang dagdag-presyo sa mga canned goods o de lata.

Nasa 50 centavos hanggang 60 centavos ang dagdag-presyo ng de-latang sardinas simula sa Disyembre 1.

Ayon ito kay Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) President Marvin Lim.

Bunsod aniya ito ng pagmahal ng raw materials tulad ng isda at produktong petrolyo noong nakaraang buwan.

Aniya, Setyembre 1 pa sana ipinatupad ang dagdag-presyo.

Pero hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) na ipagpaliban ito ng tatlong buwan.

Para tulungan ang mga konsyumer na makasabay sa inflation.

Sinabi ni Lim na maaari pang tumaas ang presyo ng de-latang sardinas depende sa sitwasyon.

Pero hindi ito mangyayari kung mananatiling maganda ang presyo ng mga bilihin.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *