Ombudsman

Kaso ni Lapeña, planong i-endorso ng DOJ sa Ombudsman

National News

POSIBLENG i-endorso ng Department of Justice (DOJ) sa Office of The Ombudsman ang reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña.

Ito, ayon kay acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.

Matapos ipaubaya ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa prosekusyon ang reklamo ng NBI laban kay Lapeña.

Base sa Supreme Court Jurisprudence, may hurisdiksyon ang DOJ sa lahat ng reklamong katiwalian at korapsyon na matatanggap.

At maaari itong isailalim sa preliminary investigation at iendorso sa Ombudsman ang anumang resolusyon kung salary grade 27 pataas ang opisyal.

Nabatid na nasa salary Grade 30 ang hepe ng BOC.

Inalmahan naman ni dating Customs chief at ngayo’y TESDA Secretary Isidro Lapeña ang paghahain ng kasong graft laban sa kanya ng NBI.

Dahil sa 105 container van ng ceramic tiles na iligal na nailabas ng Port of Manila.

May inilabas namang statement ni Lapeña.

Sinabi nito na kung hindi dahil sa kanyang inisyung 22 alert orders laban sa subject shipment na kabuuang 119 containers ay hindi naman madidiskubre ang 105 containers.

Ayon sa kalihim, hindi malinaw sa kanya kung bakit nakitaan siya ng negligence ng NBI kung saan siya ang nagbulgar ng nasabing modus.

Sa katunayan aniya ay sinampahan niya na ng kasong kriminal ang 53 sangkot na personalidad dito.

Dagdag pa ni Lapeña, nakakalungkot na nagtapos ang imbestigasyon ng NBI sa nasabing kaso.

Na aniya ay wala man lang kinukuhang anumang pahayag mula sa kanya.

Mas nakakalungkot rin aniya na hindi na naisiwalat ng NBI ang tunay na mga nasa likod ng illegal scheme.

Sinabi ni Lapeña na ipinauubaya na niya sa Department of Justice ang kaso.

At nanindigan rin ito na tama ang kanyang ginawa na dapat gawin noon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *