panahon ng anihan

Panahon ng anihan sa Northern Luzon, ililipat sa Agosto

National News

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na ilipat sa Agosto, mula Setyembre ang panahon ng anihan sa Northern Luzon.

Kasunod ito ng pagbaba ng performance ng sektor ng agrikultura sa ikatlong bahagi ng taon.

Dahil sa paghagupit ng mga bagyo na nagresulta sa pagbulusok ng produksyon ng palay at mais.

Ilalim ng bagong planting calendar, kailangang buksan ng National Irrigation Administration (NIA) ang irrigation canals ng Abril at Mayo.

Para makapagtanim nang maaga ang mga magsasaka at makapag-ani bago ang Setyembre.

Sinabi ito ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Magkakaroon din aniya ng mga bagong farming area sa mga lalawigan na hindi madalas tamaan ng masamang panahon.

Para matiyak ang produksyon ng pagkain.

Dagdag ni Piñol, magde-develop din ang ahensya ng halos 300 ektarya ng lupa sa Samar, Leyte, Negros Oriental, Negros Occidental.

Kabilang ang Panay Island, Palawan at Mindoro para mapagtaniman ng palay at maitaas ang rice inventory ng bansa.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *