kasong murder

Pagsasampa ng kasong murder vs Dengvaxia, may basbas sa pangulo

National News

IBINUNYAG ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpayo sa kanila.

Upang magsampa ng kasong murder sa mga nasa likod ng pagkamatay ng mga bata dahil sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Acosta, ibinigay ng pangulo ang pagpapayo sa isinagawang pagpupulong nila dito sa Malacañang noong Pebrero.

Aminado si Acosta na confidential sana ang nasabing impormasyon ngunit nadulas siya sa media.

Gayunman, bago ang posibleng paghahain ng kasong murder ay hihintayin na muna nila ang imbestigasyon ng Department of Justice.

Sa unang batch ng mga kaso na isinampa nila sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health.

Maging ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Nahaharap ang mga ito sa kasong criminal negligence at reckless imprudence resulting in homicide.

Dalawa pang kaso ang isinampa ng PAO sa DOJ.

Kung saan ang mga complainant ay ang pamilya ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Kabilang sina Shiela Mae Guerra mula Las Piñas at Gilluan Vasquez mula Rizal.

Dahil dito, umaabot na sa dalawampu’t siyam ang naisasampa nilang criminal complaints.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *