La Union

PNP, pinatutukan ang political situation sa La Union

National News

HINIMOK ni Senador Panfilo Lacson ang PNP na tutukan ang political situation sa La Union.

Partikular na pinatututukan ni Lacson ang papel ng gun for hire groups.

Sa kabila ng mga pagpaslang sa mga lokal na opisyal sa nasabing lalawigan.

Sinabi ng mambabatas na nagkakaroon ng pattern sa mga nangyayari sa La Union.

At kailangan ding alamin ng mga otoridad ang malamim na dahilan o ugat sa mga pagpatay.

Nababahala si Lacson na dating PNP chief sa mga insidente.

Dahil kapag hindi ito naagapan ay dadami pa ang gun for hire o private armed groups sa bansa.

Nagtataka ang senador sa mga patayan gayong hindi pa nagsisimula ang panahon ng kampanya o election period para sa 2019 midterm elections.

Dagdag nito, batid na ng lahat na ginagamit ng ilang politiko ang gun for hire groups.

Para mawala sa kanilang landas ang kanilang kalaban at ito ang pinaniniwalaan niya na nangyayari sa La Union.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *