naghain

Dating health Sec. Ubial, naghain na ng kontra-salaysay sa DOJ

National News

NAGHAIN na ng kontra-salaysay sa Department of Justice si dating Health Secretary Paulyn Ubial sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Kaugnay ito sa reckless imprudence resulting in homicide na isinampa sa kanya ni dating Health Secretary Janet Garin kaugnay ng Dengvaxia controversy.

Inakusahan ni Garin si Ubial na umano’y responsable sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Dahil ito ang nag-expand ng community-based dengue immunization program habang siya ay school-based program lamang ang ipinatupad.

Ang Dengue Vaccine Advisory Group at ang DOH Core Executive Committee ang nagrekomenda na i-expand ang Dengue Immunization Program.

Ito ang iginiit ni Ubial sa kanyang kontra-salaysay.

Iginiit din nito na may istriktong panuntunan para sa implementasyon.

Miyerkules pa nang pinanumpaan ni Ubial ang kanyang counter-affidavit dahil siya ay kasalukuyang nasa conference sa Vietnam.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *