East-West Seed Field Day 2018

East-West Seed Field Day 2018, naging matagumpay

National News

NAGING matagumpay ang isinagawang East-West Seed Field Day 2018 sa Villar Sikap Farm School sa Bacoor, Cavite.

Ang naturang event na nagsimula noong Nov. 12 na nagtapos ngayong araw ay muling nagbigay kaalaman sa mga magsasaka.

Upang mapalago ang kanilang kaalaman lalo na sa pagtatanim ng iba’t ibang klase ng gulay.

Layon ng 25th Asian Seed Congress 2018 na turuan ang mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang ani.

Ito ay may temang “Better Seed for a Better World.”

Labis naman na nagpapasalamat si Sen. Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, sa East-West Seed.

Dahil napili ang Villar Sipag Farm School na maging kabahagi ng naturang event.

Kasabay nito, umaasa naman ang senadora na malaki ang maitutulong ng isinagawang East-West Seed Field Day sa mga small holder farmers.

Upang maiangat ang kanilang produksyon at makatulong sa inaasam na food sustainability ng bansa.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *