Motion

Motion for partial reconsideration ng kampo ni Trillanes at DOJ, submitted for resolution na

National News

SUBMITTED for resolution na sa Makati Regional Trial Court Branch 148 ang inihaing motion for partial reconsideration.

Inihain ito ng Department of Justice at kampo ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos magsumite na ng mga komento ang dalawang kampo sa inihain nilang magkahiwalay na mosyon.

Kaugnay pa rin ito sa unang desisyon ni Judge Andres Soriano na nagdedeklarang constitutional ang Proclamation 572.

Ito ay nagpapawalang bisa sa amnestiya ni Trillanes sa kasong kudeta.

Sa mosyon ng senador, hiniling nito na ideklara ng korte na iligal o labag sa Saligang Batas ang proclamation ni Pangulong Duterte.

Ang mosyon naman ng DOJ ay humihiling sa korte na muling ikunsidera ang naging pasya pabor sa senador.

Samantala, inaantabayan din ng dalawang kampo ang resolusyon sa motion for reconsideration na inihain ni Trillanes sa Makati RTC Branch 150.

Ukol ito sa inilabas na arrest warrant ng korte laban sa kanya para sa kasong rebelyon noong Setyembre.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *