Suspensyon

Suspensyon sa excise tax sa produktong petrolyo, may magandang madudulot

National News

BINIGYANG-diin ng isang mambabatas ang magagandang maidudulot ng suspensyon sa ikalawang bahagi ng pagtaas ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na bukod sa napapanahon ay malaking tulong sa mga mahihirap na pamilya ang pagsuspinde rito.

Dahil sa epekto ng inflation sa mga nakalipas na buwan.

Inaasahan din aniyang bababa pa ang presyo ng oil products sa mga susunod na taon sa kabila ng serye ng rollback.

Dagdag ng senador na makakahinga na rin ang mga may-ari ng maliliit na negosyo at entrepreneurs.

Dahil may pagkakataon na silang makarekober at makabayad ng kanilang utang.

Si Gatchalian ang siyang nagmungkahi ng 6 na buwang supensyon sa excise tax increase sa langis,

Hinihintay naman ni Gatchalian ang rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) kung gaano katagal ang nasabing suspensyon.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *