mahigit 400

1 patay, mahigit 400 sugatan sa pagpoprotesta sa France

International News

ISA ang nasawi habang mahigit 400 katao ang sugatan matapos magprotesta ang nasa mahigit 200,000 protestante.

Ito’y sa iba’t ibang bahagi ng France noong Sabado at Linggo.

Isinagawa ang malawakang protesta laban kay French President Emmanuel Macron.

Nagpataw si Macron ng hydrocarbon tax dahilan upang tumaas ang presyo ng diesel at petrolyo na pangunahing pangangailangan sa France.

Aniya, ang hydrocarbon tax ay bahagi ng kampanyang bawasan ang greenhouse gases at isulong ang mas malinis na sasakyan at gasolina.

Nagsagawa ng malawakang potesta ang mga mamamayan.

Matapos ianunsyo ng gobyerno ang muling pagtaas ng presyo ng diesel at petrolyo sa Enero 2019.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *