NDFP

OPAPP Sec. Dureza, posibleng makipagpulong sa NDFP

National News

KUNG may pagkakataon, posibleng makipagpulong si Presidential Adviser on Peace Process Jesus Dureza sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Negotiators.

Kabilang sina Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni anumang araw ngayong linggo.

Ito ang pahayag ni Dureza bago tumulak patungong New York para dumalo sa United Nations General Assembly.

Sinabi ni Dureza na posibleng maganap ang kanilang pagpupulong sa oras na siya ay makabalik na sa Pilipinas.

Una nang hiniling ng mga NDF negotiators na makipagkita at makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakatakdang magtungo ngayong buwan ang dalawang NDFP leaders.

Bilang miyembro ng Joint Monitoring Committee sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law(CARHRIHL).

Makikipagkita rin sina Agcaoili at Jalandoni kay Norweigan Ambassador to the Philippines Bjørn Jahnsen ngayon buwan.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *